-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO – Isang plantasyon ng marijuana ang binunot ng mga miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa lalawigan ng Maguindanao.

Nanguna sa pagsira sa libu-libong puno ng marijuana si Hadji Abdullah Hamsa alyas Kumander Transiver ng 128th Base Command ng MILF sa hangganan ng Barangay Dungguan, Datu Montawal at Pagalungan, Maguindanao

Tinurn-over ng MILF ang mga nabunot na puno ng Marijuana sa Datu Montawal PNP, 7th Infantry Battalion Philippine Army, 602n Brigade, MILF Adjag, PDEA-BARMM, OPAPP at ni Dunguan Barangay Chairman Safrullah Buday Alhaj.

Mismong mga sibilyan ang nagbigay ng impormasyon sa MILF at mga opisyal ng barangay sa plantasyon ng marijuana.

Maliban sa mga fully grown marijuana plants may mga binhi rin (seedlings) na handa na sanang itanim ang narekober.

Una nang pinaigting pa ng LGU-Datu Montawal sa pamumuno ni Mayor Datu Otho Montawal at Vice-Mayor Datu Vicman Montawal katuwang ang militar, pulisya, PDEA-BARMM at MILF ang kampanya laban sa ipinagbabawal na droga.