NAGA CITY – Nagsidatingan na ang libo-libong mga bisita at supporters ng mga kandidata sa Miss Earth Flora 2019 na gaganapin mamayang sa Jesse M. Robredo Coliseum, Naga City.

Kasabay nito, mas pinahigpit rin ngayon ang seguridad ng Philippine National Police para sa pagpapanatili ng peace and order sa nasabing aktibidad.

Kaabang-abang naman ang mangyayaring kompetisyon kung saan magkakaroon ng resorts wear parade, talent at evening gown competition.

Maliban dito, inaabangan din ang live performance ng aktor na si Tony Labrusca.

Una rito, kaninang umaga ng sabay-sabay na nagtanim ng mga seedlings ang 85 kandidata sa Santa Cruz Elementary School sa nasabing lungsod.

Ito’y bahagi ng kanilang pagpapalawak ng adbokasiyang pangalagaan ang kapaligiran.