-- Advertisements --

Hinikayat ng Liberal Party (LP) ang Supreme Court (SC) na tuluyang ibasura ang election protest na inihain ni dating senator Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. laban kay Vice President Leni Robredo.

Sa isang pahayag, sinabi ng partido na malinaw umanong makikita na tinalo ni Robredo si Marcos sa botong 263,474 noong 2016 vice presidential race.

Nadagdagan pa umano ito ng 278.566 votes dahil sa recount na ninais ni Marcos, Ibig sabihin lamang daw nito ay malinaw na parehong nagwagi sa eleksyon nt recount ang kasalukuyang bise-presidente ng bansa.

Ayon sa partido, wala na raw dapat hintayin pa ang Korte Suprema dahil wala na rin aniyang dahilan para pahabain pa ang naturang kaso.

Hangga’t wala pa raw kasing inilalabas na desisyon ang SC ay mas lalo lang silang magagamit ng kampo ni Marcos upang magkalat ng kasinungalingan.

Sa kabila nito ay nananatili raw na kumpyansa ang Liberal party na mamaig pa rin ang katotohanan hanggang sa matapos na ang nasabing isyu.

Una nang sinabi ng kampo ni Marcos na nasasayng lang umano ang oras para maglabas ng desisyon ang SC ukol sa kaniyang election protest laban kay Robredo.

Ipinag-utos na rin ng SC na tumatayong Presidential Electoral Tribunal (PET) ang pagbibigay ng kopya ng kanilang October 15, 2019 resolution sa Commission on Elections (Comelec) at sa Office of the Solicitor General (OSG).

Batay naman sa isang source ay nagbabalak umano si Marcos ng political comeback para sa national position sa 2022 elections.