-- Advertisements --
Gumagawa umano ng paraan ang Liberal Party (LP) para mapagsama sa kanilang partido sina Sen. Panfilo Lacson, Sen. Nancy Binay, Sen. Joel Villanueva at Manila City Mayor Isko Moreno.
Ang nasabing hakbang ay para mapalawak ang kanilang pagkakaisa sa 2022 elections.
Sinabi ni Liberal Party at Sen. Francis Pangilinan na kapag mapagsama nila ang nabanggit na mga personalidad ay magkakaroon daw ng magandang direksyon ang bansa.
Mahalaga aniya ang pagkakaisa para magbigay ng solusyon sa kinakaharap na pagsubok ng bansa.
Dagdag pa ng senador, may mga pag-uusap na naganap at ilan pang pagpupulong ang maaaring gawin sa mga susunod na mga araw.










