LEGAZPI CITY- Nagbanta ang Department of Interior and Local Government (DILG) na posibleng maharap sa kaso at matanggal pa sa puwesto ang mga lokal na opisyal na hindi makakasunod sa kampanya ng gobyerno laban sa coronavirus disease.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay DILG Bicol Director Atty. Anthony Nuyda, sinabi nito na upang mapabilis ang monitoring sa mga local government units (LGUs) naglagay ang ahensya ng emergency operation center na magbabantay sa COVID-19 response.
Kailangan umano na matiyak ng mga LGU na maayos na naipapatupad ang mga kautusan sa ilalim ng enhanced community quarantine at nabibigyan ng tulong ang mga residente.
Sa ngayon ayon kay Director Nuyda, maganda ang ipinapakitang performance ng lahat ng mga LGUs sa isinasagawang hakbang kontra COVID-19.