LEGAZPI CITY – Ngayon pa lang ay pinaghahanda na Department of Interior and Local Government (DILG) ang local officials na kasali sa listahan ng mga nabigong magpatupad ng clearing operations sa mga pampublikong lugar na kanilang nasasakupan,
Sa panayam ng Bombo Radyo sinabi ni DILG-Regional Office 5 director Anthony Nuyda, tiyak na mahaharap sa kaso ang naturang mga opisyal kapag hindi nakumbinse ng mga ito si Interior Sec. Eduardo Año sa kanilang paliwanag.
Batay sa inilabas na listahan kahapon ng DILG, 10 local government unit mula sa Bicol region ang kasali.
Kabilang sa mga ito ang:
-Camarines Norte (Basud, San Vicente, Talisay)
-Camarines Sur (Gainza)
-Catanduanes (Bato)
-Masbate (Pio V. Corpuz, San Fernando, San Jacinto)
-Sorsogon (Matnog)
Una ng nagpulong ang regional directors ng DILG kung saan sinilip ang long-term plans ng bawat lokal na pamahalaan sa kanilang road clearing operations.
Samantala dalawang LGU naman sa rehiyon ang nakatanggap ng 100% compliance rating ng DILG.