-- Advertisements --

Nakatanggap ng nasa 220 complaint sa iba’t ibang ahensiya ng gobyerno ang Department of Justice – led Task Force against Corruption (TFAC).

Ayon kay Justice Sec. Menardo Guevarra, nakapagsumite na rin aniya ng report hinggil sa mga corruption complaint kay Pangulong Duterte.

Karamihan sa natanggap na reklamo ay may kaugnayan sa maanomalyang transaksyon ng mga LGUs na sinusundan ng district engineering offices ng Department of Public Ways and Highways (DPWH).

Ilan pa sa mga ahensiya na may maraming bilang ng complaints ang Land Registration Authority, DENR, Bureau of Custom at iba pang government ownd and controlled corporations (GOCCs).

Dagdag pa ni Guevarra na halos 15 kaso na ang inindorso ng task force against corruption sa Office of the Ombudsman habang karagdagang 15 kaso ang isinumite sa NBI para sa posibleng case build up at criminal investigation at ang iba pang mga kaso ay nirefer na sa ibang pertinent agencies para sa administrative investigation.