DAVAO CITY – Nagdeklara na ng state of calamity ang LGU Talaingod dahil sa nararanasang diarrhea outbreak.
Umaasa ang lokal na pamahalaan na magagamit ang calamity fund upang agad masolusyonan ang paglaganap ng nasabing sakit.
Umabot na sa 4 katao ang namatay habang aabot naman sa 200 ang mga naapektohang indibidwal.
Base sa rekord ng Rural Health Unit (RHU) -Talaingod, nakumpirma ang unang kaso noon pang Setyembre 6 sa Kaylawan, Sto. Niño, Talaingod kung saan iilang residente ang nakitaan ng sintomas ng diarrhea kung saan umabot pa ito sa karatig ng mga lugar.
Kontaminadong pinagmulan ng tubig mainom ang tinuturong dahilan ng sakit.
Sa kabilang banda, kontrolado na ang sitwasyon.
Nagtulong-tulong naman ang Provincial Government ng Davao del Norte, Department of Health XI at RHU- Talaingod.