-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO- Namahagi muli ng tulong ang LGU-Datu Montawal Maguindanao sa mga pamilyang grabeng naapektuhan ng baha.

Ayon kay Datu Montawal Mayor Datu Otho Montawal na binigyan ng foodpacks at reliefs goods ang mga residente sa labing isang barangay na sinalanta ng baha.

Kabila ng krisis sa Coronavirus Disease (Covid-19) sa kalusugan ng mamamayan ng bansa ay sinisikap ng lokal na pamahalaan ng Datu Montawal na matugunan ang ibang pangangailangan ng kanilang mga nasasakupan.

Nilibot ng mga kawani ng Municipal Desaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO-Datu Montawal) ang lahat na lugar sa bayan at inabutan ng ayuda.

Ang pagbaha sa Datu Montawal ay dulot ng sama ng panahon at malakas ng buhos ng ulan kaya umapaw ang Pulangi river at Liguasan Delta.

Tiniyak naman ni Mayor Montawal na kahit may Covid 19 ay tuloy-tuloy parin ang kampanya nila sa war on drugs,kreminalidad,illegal gambling at terorismo.