-- Advertisements --
NAGA CITY – Patay ang isang empleyado ng gobyerno matapos na barilin sa San Andres, Quezon.
Kinilala ang biktima na si Raffy Gardon, residente ng Brgy. Pansoy sa nasabing bayan.
Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na nakarinig ng dalawang putok ng baril ang isang Mr. Desabello, bayaw ng biktima.
Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, napag-alaman na sinubukan pa ni Mr. Desabello na hanapin ang pinagmulan ng putok at habang pauwi na ito, dito na nito nakita ang wala nang buhay na bikitma.
Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad lalo na ang pagtukoy sa posibleng kinaroroonan at pagkakakilanlan ng suspek.