-- Advertisements --
BANTAY BIGAS

Makikipagtulungan ang Department of Trade and Industry (DTI) at Department of Agriculture (DA) sa Local Government Units partikular ang kanilang Local Price Coordinating Councils para matiyak na naipapatupad ang price cap sa regulat at well-milled rice.

Ito ay bilang bahagi ng pagpapaigting pa ng monitoring at enforcement mechanisms ng ahensiya.

Ayon pa kay DTI secretary Fred Pascual na itatap ng DTI ang Philippine Competition Commission para labanan ang rice cartels at iba pang indibidwal na nagmamanipula ng pagtaas ng presyo ng bigas.

Ipinunto din ng opisyal na mahalagang mapanatili ang mahigpit na pagbabantay sa presyo ng bigas at suplay para mapigilan ang posibleng hoarding at price manipulation ng traders at retailers.