Sabog 8
-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Positibong target ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF-Karialan faction) ang mga myembro ng LGBT sa pamboboma sa lalawigan ng Maguindanao.

Unang nagbanta ang BIFF sa grupo ng mga bading na magtitipon sa Datu Piang Maguindanao na wag ituloy ang kanilang plano dahil may mangyaring masama sa kanila.

Noong nakalipas na buwan ay kinalbo ang ilang myembro ng LGBT sa bayan ng Ampatuan.

Ayon sa kalatas ng BIFF na mahigpit nilang pinagbabawal ang anumang aktibidad o pagtitipon ng mga bakla,tomboy at ibang LGBT sa probinsya.

Mariin itong kinondena ng mga lokal na opisyal sa lalawigan dahil hindi makatao at paglapastangan ng Karapatan ng mga LGBT.

-- Advertisement --

Kinomperma rin ni Maguindanao Police Provincial Director Colonel Jibin Bongcayao na grupo ni Kumnder Kagui Karialan ang utak sa pambobomba.

Karamihan sa mga nasugatan sa pambobomba ay mga bakla mula sa bayan ng Midsayap at Pikit Cotabato.

Bago lang ay isang tomboy ang binaril patay sa bayan ng Datu Piang na nakilala na si Muslimah Hasim.

Sa ngayon ay pinagting pa ng pulisya at militar ang seguridad sa Datu Piang Maguindanao.