Pina-iimbestigahan ni Leyte Representative Richard Gomez sa Kamara ang umano’y misalignment sa National Tax Allotments (NTAs) ng mga local government units at maging sa funding requirements para sa implementasyon ng “full devolution” sa mga specific national services na ipinag-uutos sa ilalim ng local government code.
Ayon kay Gomez mahalagang busisiin ito ng Kongreso ang nasabing isyu nang sa gayon mabigyang linaw ng national government kung saan kukunin ng mga local leaders ang pondo para sa pagsalo sa ibang serbisyong pang nasyonal.
Punto ng mambabatas na hindi sapat ang makukuhang pondo ng mga local government units mula sa national taxes para pantustos sa full devolution.
Umapela ang Leyte solon kay Pangulong Bongbong Marcos na ipawalang bisa ang Executive Order 138 habang inaayos ng Kongreso at ng Executive ang ibat ibang isyu kaugnay sa implementasyon ng full devolution of services.
Para tugunan ang isyu sa funding o pondo sa sandaling malipat na sa LGUs ang functions sa full devolution, inihain ni Cong.
Gomez ang House Bill No. 6414 na layong magtatag ng fund na tinawag na Local Government Units Full Devolution Gap Financing Fund.