ROXAS CITY – Patay ang isang lesbian matapos nagbigti sa loob ng tinitirhan nitong bahay sa Mckinley Ilaya, Barangay 1, Roxas City.

Nabatid na natagpuan na lamang ang hindi na pinangalanang biktima ng boarder na umuupa ng kwarto sa naturang bahay.

Ayon sa naturang boarder, laking gulat nito nang pumunta siya sa kusina at bumulagta sa kaniya ang nakabitay na biktima na may nakataling nylon cord sa leeg at wala nang buhay.

Napag-alaman na naninirahan ang biktima at ang kapatid sa kanilang tiyahin na kapatid nang kinikilala nilang nanay na nag-adopt sa kanila.

Tubong Mindanao ang biktima at nagtatrabaho sa isang computer shop sa lungsod ng Roxas.

Sa panayam ng Bombo Radyo sa kaibigan ng kapatid ng biktima, inihayag nito na hiniwalayan umano ang biktima ng kaniyang nobya at kaniya itong dinibdib.

Inilarawan pa nito ang biktima na “loner” at malimit lamang umano makipag-usap.