-- Advertisements --
NAGA CITY- Nagpatupad ngayon ang lungsod ng Naga ng ‘Lend-A-Bike’ project para sa mga health workers.
Layunin ng naturang proyekto na matulungan ang mga frontliners lalo na ngayong naparalisa ang transportasyon dahil sa enhanced community quarantine.
Unang nakatanggap ng bisikleta ang mga health workers mula sa Bicol Medical Center (BMC).
Magagamit ng mga frontliners ang naturang bike bilang service papasok ng ospital at pauwi sa kanilang mga bahay.
Samantala, may mga libreng sakay din para sa mga health workers na may koordinasyon sa mga ospital.