-- Advertisements --

Pormal nang nagsumite ng entry of appearance ang mga abogado ni Vice President Sara Duterte para sa kanyang impeachment trial, ayon sa kumpirmasyon ng tagapagsalita ng Senado.

Ayon kay Atty. Reginald Tongol, tagapagsalita ng Impeachment Court, natanggap ng Senado ang dokumento mula sa Fortun Narvasa & Salazar law firm nitong araw ng Lunes, alas-5:03 ng hapon.

Dagdag pa nito na ang Office of the Secretary of the Senate ang tumanggap nito bilang clerk ng impeachment court.

Kabilang sa mga abogado ni Duterte sina:

  • Philip Sigfrid Fortun
  • Gregorio Narvasa II
  • Sheila Sison
  • Carlo Joaquin Narvasa
  • Roberto Batungbacal
  • Justin Nicol Gular
  • Lindon Miguel Bacquel
  • David Ronell Golla VII
  • Maria Selena Golda Fortun
  • Clarlaine Radoc
  • Francesca Marie Flores
  • Miguel Carlos Fernandez
  • Michael Wesley Poa
  • Reynold Munsayac
  • Mark Vinluan
  • Ralph Bodota

Wala pa sa ngayong pahayag mula kay VP Sara Duterte kaugnay sa bagong yugto ng proseso ng impeachment.