Pinagtibay na ng House Committee on Ways and Means ang panukalang batas na magbibigay ng legal assistance o contractual protections sa mga tinaguriang freelancers kagaya ng self-employed individuals.
Sa ginanap na meeting, inaprubahan ng panel ang tax provisions sa substitute measure sa anim na panukalang batas na naglalayong mabigyan din ng proteksiyon ang mga freelancers.
Ito ay matapos na umusad na sa House Committee on Labor and Employment.
Ayon sa isa sa author na si Pangasinan Representative Christopher De Venecia, dapat umanong ipaalala sa estado na nakakalimutan na ang mga manggagawa na freelancers.
Inihalimbawa pa niya na ang mga freelancers ay nagtatrabaho ng walang mga kontrata sa pagitan nila at ng kanilang mga kliyente.
Kaya naman kadalasan ay naloloko sila katulad na lamang nang biglang pagbabago sa terms of payment o kaya mga pasweldo at iba pa para lamang makalusot.