-- Advertisements --
Nalampasan na ni Lakers superstar LeBron James ang basketball legend na si Karl Malone bilang pangalawan sa sa NBA career scoring list.
Ang isa pang NBA great na si Kareem Abdul-Jabbar ang nangunguna sa naturang listahan.
Kinailangan lamang ni James ng 19 points upang maungusan ang record ni Malone na 36,928 points.
Si Abdul-Jabbar naman ay hawak ang all-time record sa 38,387.
Naitala ni James ang panibagong milestone sa laro nila kontra sa Wizards matapos na umiskor siya ng 38 points.
Gayunman, hindi umano lubos ang kanyang kasiyahan dahil pinahiya naman sila ng Washington ng mahabol ang Lakers para iposte ang panalo sa 127-119 mula sa 16 points deficit.