-- Advertisements --

Hindi nakapaglaro ang NBA four-time champion na si LeBron James sa laro kontra Sacramento Kings matapos ipasok sa Coronavirus disease 2019 (COVID-19) health and safety protocols ng NBA.

Pero hindi pa malinaw kung nag-positibo sa COVID-19 ang manlalaro o mayroon lamang itong naka-close contact na may covid.

Sa ngayon, nasa 11 sa 22 pa lamang na laro ang nasalihan ni James ngayong season matapos ang abdominal strain.

Maliban dito, suspendido rin si James ng isang laro dahil matapos masuntok ang Detroit Pistons Center na si Isaiah Stewart.