SAN FRANCISCO – Nagtapos na may 22 points, 11 assists at walong rebounds si LeBron James sa 125-120 win ng Los Angeles Lakers kontra Golden State Warriors.

Nagdagdag ng 21 points na may limang three-pointers si Avery Bradley at kumamada ng 27 points at 10 rebounds si Anthony Davis sa gabing binigyang pugay ng Warriors si Kobe Bryant, kanyang anak na si Gianna, at pitong iba pang nasawi sa helicopter crash noong Enero 26.

Tumipa ng 24 points sa 8-for-12 shooting si Andrew Wiggins sa kanyang Warriors debut matapos na i-trade ng Minnesota Timberwolves.