-- Advertisements --

Nakabalik na sa paglalaro si Los Angeles Lakers star LeBron James.

Ito ay matapos ang pagliban ng 13 laro dahil sa tendon injury sa kaniyang kanang paa.

Ayon sa koponan na magiging reserve player lamang at limitado ang paglalaro niya sa pagharap ng koponan kontra Chicago Bulls.

Huling naging reserve si James sa kaniyang 20-taon NBA career ay noong 2007 ng ito ay naglalaro sa Cleveland Cavaliers.