-- Advertisements --

Nagtala si Los Angeles Lakers star LeBron James ng panibagong record.

Ito ay matapos na makuha niya ang ika-10,000 career assist, rebounds at points.

Naitala nito ang record ng ipasa niya ang bola sa kabilang court kay Carmelo Anthony para sa 3-pointer.

Siya na ang pang-pitong manlalaro sa kasaysayan ng NBA na umabot ng 10,000 assists.

Noong nakaraang buwan ay mayrong 35,000 career points ang 37-anyos na Lakers star na siyang itinuturing na pinakabatang nagtala ng nasabing puntos.

Kahanay na nito ang mga legends na sina Karl Malone at Kareem Abdul-Jabbar.