-- Advertisements --
Hindi na makakapaglaro si Los Angeles Lakers star LeBron James sa pagharap nila ng Milwaukee Bucks dahil sa may iniinda itong injury.
Ayon sa Lakers na dahil sa kaliwang ankle injury ni James ay hindi na ito makakapaglaro sa homecourt ng Bucks.
Ito na ang pang-10 laro ngayong season na hindi nakapaglaro si James dahil sa injury.
Huling nakaharap ng Lakers ang Bucks ng talunin nila ito 123-122 noong Marso 8 sa homecourt ng Los Angeles.