-- Advertisements --

BOMBO DAGUPAN – Pababa na ang lebel ng tubig sa Sinocalan River sa bayan ng Sta. Barbara.

Ayon kay Raymondo T. Santos, Head ng Municipal Disaser Risk Reduction Management Office Sta. Barbara tumaas kahapon alas-3 ng hapon ang lebel ng tubig kung saan umabot ito sa 7.50ft above sea leval at bumaba naman ngayong araw ng 6.8ft above sea level.

Aniya, may dalawang barangay lamang ang naitalang nabaha; ang Sonquil at Dalongue.

Sa ngayon, wala naman aniyang naitatalang evacuees, kahit na nag-conduct na ng force evacuation ang kanilang hanay kahapon dahil pinili ng mga residente ang manatili sa kani-kanilang mga kabahayan.

Patuloy naman ang isinasagawang monitoring sa lugar at paalala nito sa mga residente, mag-ingat sa mga may pupuntahan at patuloy na umantabay sa balita nang sa gayon ay maging alerto at maging handa.