Muli nanamang nakitaan ng pagbaba ang lebel ng tubig sa Angat Dam.
Ito ay maapos ang ilang araw na sunod-sunod na pagtaas nito, dala mga malalakas na pag-ulan sa malaking bahagi ng bansa.
Batay sa datus ng Department of Science and Technology, bumaba ng 22 centimeters ang lebel ng tubig sa Angat Dam.
Sa kasalukuyan, nasa 180.74 meters na lamang ito, mula sa dating 180.96 kahapon.
Maliban sa Angat Dam, malaki rin ang nakitang kabawasan sa lebel ng tubig sa Ipo Dam.
Sa kasalukuyan, nasa 99.62 meters na lamang ito kumpara sa 101 meters kahapon.
Sa iba pang mga water reservior sa Luzon, nakitaan din ng pagbaba ng lebel ng tubig sa La Mesa Dam, Ambuklao Dam, at Caliraya Dam.
Sa likod nito, nakapagtala naman ng pagtaas ng lebel ng tubig sa iba pang mga dam sa Luzon, katulad ng Binga, San Roque, Pantabangan, kasama na ang Magat Dam.