-- Advertisements --

Inaasahan na ng National Water Resources Board (NWRB) ang pagtaas ng lebel ng tubig sa Angat Dam pagsapit ng Hulyo matapos na sabihin ng Pagasa na magkakaroon na ng normal na rainfall conditions sa mga susunod na araw.

Pero sinabi ni NWRB executive director Sevillo David Jr. sa isang panayam na ang 36 cubic meter per second allocation sa Metro Manila ay mananatili pa rin hanggang sa katapusan ng Hunyo ng taong kasalukuyan.

Ayon sa opisyal, sakaling hindi magbago ang rainfall conditions, inaasahan nang maitatala ang pinakamababang water level.

Nabatid na kahapon ng umaga ang water level sa Angat Dam ay nasa 159.09 meters.

Ito na ang pinakamababang water level ng dam na naitala simula noong umabot ito sa 157.57 meters noong 2010.