-- Advertisements --

Nagkasundo ang Lebanon at Israel na mag-usap para masolusyunan na ang labanan sa kanilang border.

Ang nasabing panukalang pag-uusap ay inilatag ni US President Donald Trump.

Magiging facilitator ang US sa pag-uusap na gaganapin sa bayan ng Naqoura sa southern Lebanon.

Sinabi ni US Ambasador David Schenker na gaganapin ang pag-uusap sa Oktubre 12.

Ayon kay Israel Energy Minister Youval Steinitz na mayroong direktang negosasyon na magaganap.

Mula pa noong 1994 ay suspendido ang nasabing negosasyon sa dalawang bansa.