Hinimok ng Amnesty International ang Office of the Ombudsman at Department of Justice (DOJ) na imbestigahan ang mga law enforcement officials sa posibleng paglabag ng mga ito sa pagtupad ng giyera kontra iligal na droga.
Matapos na mailabas ang kanilang report noong 2017, muling nagsagawa ng research ang Amnesty International sa kampanya ng pamahalaa kontra iligal na droga.
Noong Abril ng taong kasalukuyan, nagsagawa sila ng pag-aaral sa bulakan na kung tawagin nila ay pinakamadugong killing field.
Inimbestigahan ng advocacy group ang 20 insidente at nag-interview sa 58 indibidwal kabilang na ang mga witnesses, pamilya ng mga biktima at local officials para sa kanilang pag-aaral.
Sinabi ni Nicholas Bequelin, ang Regional Director ng Amnesty International sa Southeast Asia, na may nakita silang pattern sa mga pagpaslang para masabing may mali sa war against drugs.