Bagama’t patok agad, humihirit ang mga fans ni 2018 Miss Universe Catriona Magnayon Gray na dapat ay may kasamang signature nito ang ilalabas na tinaguriang “lava face mask.”

Noong nakaraang buwan nang unang planuhin ng Kapampangan designer na si Mak Tumang ang paggawa ng “lava face mask” at ngayo’y kanya na itong naisapinal.

Si Tumang ang siyang nasa likod ng β€œlava” ideas noong 2018 Miss Universe kabilang ang β€œlava walk” o yaong slow-mo twirl ni Catriona suot ang swim suit attire at ang kulay pulang gown na malinaw na simbolo ng Bulkang Mayon.

Nagkakahalaga ng P1,500 ang isang set ng lava mask ni Tumang tampok ang apat na disenyo at pawang 3-Ply material.

Magkakaroon aniya ng photo opportunity sa iconic lava gown sa kanyang shop sa Mexico, Pampanga, ang sinumang mga bibili.