-- Advertisements --
Ibinahagi ng kilalang filmmaker na si Lav Diaz ang kaniyang pagbabalik sa sikat na Venice Film Festival.
Kabilang kasi ang pelikula nitong “Kapag Wala Na Ang Mga Alon” ay opisyal sa categoryang Out of Competition section ng film festival.
Patungkol ang pelikula sa isang magaling ng imbestigador na nasusubok ang moralidad nito.
Kabilang sa pelikula sina Ronnie Lazaro, Sharmaine Buencamino at DMs Boongaling.
Noong 2016 ay nagwagi na si Diaz ng coveted Golden Lion para sa pelikulang “Ang Babaeng Humayo”.