-- Advertisements --

Labis ngayon ang kasiyahan ni Marcio Lassiter dahil sa bukod na nagwagi ang koponan nitong San Miguel Beermen 100-92 laban sa NLEX ay naitala din nito ang ika-1,000 three points.

Siya ngayon ang pang-siyam na manlalaro sa kasaysayan ng PBA na mayroong mahigit 1,000 three-points sa career.

Naitala nito ang record ng maipasok niya ang pangatlong three points sa laban nila ng NLEX sa nagpapatuloy na PBA Philippine Cup.

Dahil dito ay kasaman na nito si Jimmy Alapag na mayroong 1,250 three points sa kaniyang career.

Target ngayon ni Lassiter na mangibabaw sa nasabing sa pagkakaroon ng maraming three-points.