-- Advertisements --
ILOILO CITY – Ibinunyag ng National Police Commission (NAPOLCOM) na may patong-patong na kaso na ang pulis sa walang habas na namaril ng kanyang kapitbahay sa Oton, Iloilo.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay NAPOLCOM Region VI Director Atty. Joseph Celis, sinabi nito na may tatlong kaso pa na pending sa NAPOLCOM en banc na isinampa laban kay Police Corporal Marvin Seasol, nakadestino sa Arevalo Police Station sa Iloilo City.
Ayon kay Celis, ang tatlong kaso ni Seasol ay kinabibilangan ng Oppression at Grave Misconduct.
Nagbabala rin si Celis sa mga abusadong pulis na hindi sila mag-aatubiling sibakin ang mga ito sa tungkulin.