-- Advertisements --

Pinangunahan ni Deputy Speaker at Las Pinas Representative Camille Villar ang “Afternoon Book Session” para sa 110 na mga katabataan ng Balagtas daycare center.

Ikinuwento ng lady solon ang kwento ng “Langgam at Tipaklong” na lubos na ikinalugod ng mga bata.

” Think ahead, prepare for the future while they are young,” pahayag ni Rep. Villar.

Bukod sa naganap na story telling, namahagi ang mambabatas ng libreng backpack at mga school supplies.

Nag donate din ang Kongresista ng mga reading materials sa daycare center.

Ang pamamahagi ng school materials ay bahagi ng programa ni Rep. Villar ang ” Handog Karunungan” book donation drive.

Layon ng programa na mahikayat ang mga bata ng magbasa at mabigyan ng mga kagamitan para ma promote ang literacy at mahikayat ang community involvement.