-- Advertisements --

Inanunsiyo ngayong Linggo lamang ng Philippine Basketball Association (PBA) na ipinagpaliban nila ang isang match na gaganapin sana ngayong araw dahil sa isyu sa health at safety protocols.

Ayon sa liga nakatakda sanang magharap ang Barangay Ginebra San Miguel at Meralco Bolts dakong alas-4:35 mamayang hapon.

Dahil sa pagpapaliban sa Ginebra-Meralco match, isasagawa naman ang laro ng Magnolia Hotshots Pambansang Manok at TNT Tropang Giga sa oras na alas-4:35 sa dati nitong shedule na alas-7:00 ng gabi.

Ang Terrafirma Dyip-Blackwater Bossing match ay tuloy pa rin naman dakong alas-2:00.

Ito na ang ikalawang match na naipagpaliban mula nang bumalik sila noong September 1.

-- Advertisement --

Kahapon nang ipagpaliban din ang match ng Alaska Aces at San Miguel Beermen dahil umano sa parehong rason.

Ang lahat ng mga laro ay ginaganap sa Don Honorio Ventura State University Gym sa Bacolor, Pampanga.