-- Advertisements --

Star Cebu – Nakapagtala ng 3 panibagong kaso ng coronavirus disease (COVID-19) ang Lapu-lapu City nitong Linggo ng gabi.

Sa facebook post ni Lapu-lapu City Mayor Junard Ahong Chan nagmula ang unang pasyente sa Purok Kapayas, Gun-ob, 67 anyos; 25 anyos mula sa Buyong, Maribago; at isang 85 anyos ng Suba Masulog, Basak.

Sa ngayon, umabot na sa 56 ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso sa lungsod.

Hindi naman nagkulang sa pagpapaalala ang alkalde sa publiko na hindi sila dapat maging kampante kahit pa man isinailalim na sa general community quarantine(GCQ) ang lungsod.

Hiling naman nito ang kooperasyon ng kanyang nasasakupan na maging mapagmatyag at sundin ang guidelines ng bagong executive order sapagkat para rin naman umano ito sa kapakanan at kaligtasan ng bawat isa.