Ramdam na ngayon sa northern mainland Palawan ang epekto ng tropical depression Lannie.
Ito na ang ika-siyam na landfall ng naturang bagyo, matapos itong tumama sa Bucas Grande Island, sa Socorro, Surigao del Norte, pangalawa sa Cagdianao, Dinagat Islands, pangatlo sa Liloan, Southern Leyte; pang-apat sa Padre Burgos, Southern Leyte; panglima sa Mahanay Island, Talibon, Bohol; pang-anim sa Banacon Island, Jetafe, Bohol; pang pito sa San Fernando, Cebu at pang walo sa Guihulngan City, Negros Oriental.
Ngayong umaga, namataan ang sentro ng bagyo sa coastal waters ng El Nido, Palawan.
Taglay nito ang lakas ng hangin na 45 kph at may pagbugsong 55 kph.
Kumikilos ito nang pahilagang kanluran sa bilis na 25 kph.
Sa ngayon, nakataas ang signal number one(1) sa Northern portion ng Palawan (El Nido, Taytay, Dumaran, Araceli), kasama na ang Calamian Islands.