-- Advertisements --

Napanatili ng bagyong Lannie ang lakas ng hangin kahit maraming ulit na itong nag-landfall nitong maghapon.

huling namataan ang sentro ng sama ng panahon sa bisinidad ng Guihulngan, Negros Oriental.

Taglay nito ang lakas ng hangin na 45 kph at may pagbugsong 55 kph.

Kumikilos ito nang pakanluran sa bilis na 25 kph.

Signal no. 1:

Southern portion ng Masbate (Pio V. Corpuz, Cataingan, Palanas, Dimasalang, Uson, Mobo, Milagros, Mandaon, Esperanza, Placer, Cawayan, Balud), southern portion ng Romblon (Cajidiocan, San Fernando, Magdiwang, Santa Maria, Odiongan, Alcantara, Ferrol, Looc, Santa Fe, San Jose), southern portion ng Oriental Mindoro (Roxas, Mansalay, Bulalacao, Bongabong), southern portion ng Occidental Mindoro (Sablayan, Calintaan, Rizal, San Jose, Magsaysay), northern portion ng Palawan (El Nido, Taytay, Dumaran, Araceli) kabilang na ang Calamian at Cuyo Islands, Capiz, Aklan, Antique, Iloilo, Guimaras, Negros Occidental, northern at central portions ng Negros Oriental (Bais City, Mabinay, City of Bayawan, Basay, City of Tanjay, Manjuyod, Bindoy, Ayungon, Tayasan, Jimalalud, La Libertad, City of Guihulngan, Vallehermoso, Canlaon City), Cebu at Bohol.