-- Advertisements --

CAUAYAN CITY – Dahil sa mga nararanasang pag-ulan ay ilang overflow bridges sa Isabela ang hindi na madaanan.

Sa abiso ng pamahalaang lokal ng Cabagan, Isabela simula kahapon ay hindi na madaanan ang Cansan overflow bridge sa nasabing bayan.

Maging ang Baculod overflow bridge sa lungsod ng Ilagan ay hindi na rin madaanan simula kahapon.

Samantala, nauna nang inihayag ni Pag-asa na tail end of frontal system at easterlies pa rin ang mga weather system na nagdudulot ng mga pag-ulan sa ilang bahagi ng bansa.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay chief meteorologist Ramil Tuppil ng Pag-asa DOST na nakahimpil sa Echague Isabela sinabi niya na kabilang sa mga lugar na nakakaranas ng pag-ulan ngayon ang Isabela Cagayan, Nueva Vizcaya, Quirino, Aurora, Manila, CALBARZON, BICOL Region, Eastern Visayas, CARAGA at Davao Region.