-- Advertisements --

Nagtaa ang LandBank of the Philippines na record high na kita na P40.3 bilyon noong 2023.

Ayon sa Landbank na ito ang unang pagkakataon na umabot ang kanilang kita na P40-B.

Isa sa mga naging dahilan ng malaking income nila ay mula sa pautang at investments ganun din ang tinatawag nilang prudent cost management.

Umakyat din ang kanilang assets ng 4.2 percent o katumbas ng P3.3 trillion habang ang deposits ay tumaas ng 4.5 percent o katumbas ng P2.9 trillion.

Nagkaroon ng pagtaas ang kanilang capital na naging P266.8-B o 27 percent kumpara noong 2022 na mayroong P210.6-B.