-- Advertisements --
Nagbabala ang Land Bank of the Philippines na huwag maniwala sa mga kahina-hinalang emails at text messages na naglalaman ng mga clickable links.
Sa inilabas na advisory nila na hindi sila nagpapadala ng anumang emails at at text messages na may clickable hyperlinks.
Dahil dito ay kanilang patatagin ang mga seguridad at pagagandahin ang proteksyon ng kanilang customers.
Magugunitang pinayuhan na ng National Telecommunications Commission (NTC) ang mga telcos na paigtingin ang kanilang pagbibigay babala sa mga mamamayan para maiwasan ang anumang uri ng panloloko.