-- Advertisements --
image 118

Nilinaw ngayon ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na dapat ay sa gabi hanggang madaling araw lamang puwedeng maningil ng pamasahe ang mga bus ng EDSA caruosel.

Kasunod ito nang pagpayag na ring maningil ng pamasahe sa pagitan ng alas-11:00 ng gabi hanggang alas-3:00 ng madaling araw kada araw.

Sa inisyung kumpirmasyon ng LTFRB matapos na ilang mga pasahero ang nagreklamo na pumila ng matagal sa EDSA Bus Carousel kamakailan.

Nag-antay aniya ang mga dispatcher ng hanggang 11 pm bago ang pinayagan ang mga pasahero na makasakay para lamang masingil ng pamasahe ang mga pasahero.

Nagpaliwanag naman ng LTFRB na hindi na makakapagbigay pa ng libreng sakay ang gobyerno sa EDSA Bus Carousel ng 24 oras kayat pinapayagan na nila ang fare box system.

Kakaunti rin aniya ang mga bumabiyaheng mga bus sa mga ruta.

Subalit, sinabi ng LTFRB na mag-iisyu sila ng isang regulasyon para matiyak na patuloy pa rin ang operasyon ng EDSA Bus Carousel upang hindi na kailangan pang mag-antay ng matagal ng mga mananakay.

Ang programang Libreng Sakay para sa EDSA Bus Carousel ay available lamang sa oras na 4am hanggang 11pm hanggang sa Disyembre ng kasalukuyang taon.