-- Advertisements --
image 40

Iniulat ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na nasa 6% lamang ng target na public utility vehicles (PUVs) ang nakakuha ng kopya ng updated fare matrix.

Ayon kay LTFRB Board Member Mercy Jane Paras-Leynes six percent lang sa loob ng 250,000 mga PUVs na target nilang mabigyan ng fare matrix.

Sinabi ni Leynes na P5,000 na multa ang ipapataw sa mga PUV na hindi magpapakita ng kopya ng bagong fare matrix batay sa Joint Administrative Order No. 2014-001.

Isinasaalang-alang ang mababang porsyento ng mga PUV na walang kopya ng updated fare matrix sa araw ng effectivity ng dagdag-pasahe.

Inihanda na ng LTFRB ang kanilang mga monitoring team para suriin ang mga PUV.

Dagdag pa niya, nakipag-ugnayan na ang LTFRB sa mga operator upang matiyak ang pagsunod sa kanilang mga PUV.

Pinayuhan ni Leynes ang mga commuter na i-report ang mga PUV na walang bagong fare matrix sa pamamagitan ng Facebook page ng LTFRB at hotline 1342.