-- Advertisements --
cropped LTFRB office

Nagbabala ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa lahat ng mga tsuper ng public utility vehicle hinggil sa overcharging sa pasahero ng ilan sa mga ito.

Kasunod ito ng isang insidente kung saan siningil ng tripleng halaga ng normal na pamasahe ang K-pop boy band member na si Joshua Hong noong siya ay nagbakasyon dito sa Pilipinas noong nakaraang buwan.

Sa isang statement ay binigyang diin ng LTFRB na hindi nila kukunsitihin ang mga PUV driver na nanloloko sa kanilang mga pasahero mapa-dayuhan man o Pilipino.

Ayon pa sa ahensya, ang sinumang driver na mapapatunayang naniningil ng sobra sa tamang halaga ng pamasahe ay maaaring pagmultahin o kanselahin ang kanilang certificate of public convenience.

Samantala, sa kabilang banda naman ay hinikayat din ng LTFRB ang publiko na agad na isumbong sa kanila sakaling makatagpo sila ng ganitong klase ng abusadong mga tsuper.