-- Advertisements --
BOMBO ILOILO – Simula ngayong araw, ipagbabawal muna ang land, sea at air travel papasok sa Iloilo City na magtatagal hanggang sa Linggo, Agusto 8.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Iloilo City Mayor Jerry Treñas, sinabi nito na patuloy na tumataas ang kaso ng COVID-19 sa Western Visayas kung saan halos lahat ng mga pasyente ay dinadala sa mga ospital na sa ngayon ay puno na.
Ayon sa alkalde, ang nasabing hakbang ay upang mapigilan ang pagdami ng COVID-19 Delta variant na sa ngayon ay nasa Iloilo City na.
Nilinaw naman ng alkalde na patuloy pa rin ang operasyon ng essential establishment at ang vaccination.
Napag-alaman na kahapon hindi na rin pinayagan na makapasok sa Iloilo City Hall ang mga hindi nabakunahan.