-- Advertisements --
Tiniyak ng Land Bank of the Philippines na mayroon pa itong sapat na pondo para sa pag-comply sa Bangko Sentral ng Pilipinas.
Ito ay matapos na maglagay ito ng pondo kasama ang Development Bank of the Philippines sa Maharlika Investment Fund.
Ayon sa Land Bank na ang kanilang Capital Adequacy Ratio (CAR) ay nananatiling malakas sa level na 16.61 percent.
Mayroon din aniya ito ng kabuuang P3 trillion sa asset mula pa noong Hunyo at ang net income ay P20.9 bilyon mula sa loans at investments earnings.