-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Kinalampag ng Lanao del Sur Provincial Police Office ang himpilan ng Iligan City Police Office dahil sa paratang ng kanilang mga police investigators nga sangkot sa pagbebenta ng iligal na droga ang napaslang na si Police Corporal Samuel Banuelos.

Hinamon ng Police Col. Madzghani Mukaraam,provincial director sa Lanao del Sur Provincial Police Office ang mga imbestigador na maglabas ng matibay na ebidensya labang sa kanilang sarhento lalo na’t kilala itong mapagkatiwalaan at aktibong pulis sa Sagiuaran Municipal Police station ng Lanao del Sur.

Aniya, takot at trauma ang naramdaman ng pamilya ni Sarhento Banuelos nag biglang pinasok ng isang armadong lalaki ang kanilang bahay at pinagbabaril ng limang beses ang kanilang padre de pamilya at pinatay rin ang isa pang kaanak ng nasabing pamilya.

Magugunitang nagtamo ng maraming tama mula kalibre 45 pistol si Banuelos at maging ang kasama nito na sibilyan na si Junjun Sanchez nang nilusob ng armadong mga suspek sa mismong bahay nila sa Iligan City noong nakaraang gabi.