-- Advertisements --
Napagdesisyunan ng Inter-Agency Task Force (IATF) na sundin ang naging rekomendasyon ni Governor Rodolfo Albano III na ilagay sa general community quarantine (GCQ) ang probinsya ng Isabela hanggang sa katapusan ng Disyembre.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque na hindi kasali rito ang Santiago City.
Ang desisyong ito ng IATF ay para na rin tulungan ang nasabing lugar na pababain ang naitatalang kaso ng coronavirus disease.
Kasalukuyan ding nasa ilalim ng GCQ ang Metro Manila, Batangas, Iloilo City, Tacloban City, Lanao Del Sur, Iligan City, Davao City at Davao Del Norte.