ILOILO CITY – Kulong ang isang lalaki matapos walang habas na sinaksak hangang sa mamatay ang sariling nitong kuya sa Barangay Canawillian, Janiuay, Iloilo.

Ang biktima ay kinilalang si Adrian Brasiliño, 24, habang ang suspek naman ay ang bunso nitong kapatid na si Ferlyn Brasiliño , 21.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Police Captain Dadje Delima, hepe ng Janiuay Municipal Police Station, sinabi nito na naghihilamos ng mukha ang biktima nang nilapitan ito ng kanyang bunsong kapatid at tinadtad ng saksak gamit ang ginunting.

Ayon kay De Lima, ginawa mismo ng suspek ang krimen sa harap ng kanilang sariling ina.

Naniniwala naman ang hepe na may problema sa pag-iisip ang suspek dahil tumatawa lang ito at hindi makausap ng matino.