-- Advertisements --
Nasagip ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard ang isang lalaking tumalon sa isang bangka sa bahagi ng karagatan San Miguel Island sa Monreal, Masbate.
Batay sa inisyal na ulat na inilabas ng PCG, natukoy ang naturang lalaki na isang residente ng Masbate City.
Patungo ito sa Pioduran Port sa Albay nang bigla itong tumalon sa bangka nang dahil sa umano’y dinadala nitong problema sa pamilya.
Samantala, dahil dito ay agad na nakipag-ugnayan ang PCG sa Philippine National Police at Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office para maglunsad ng joint search and rescue operations para sa naturang lalaki na kasalukuyan nang nasa mabuting kalagayan sa ngayon.