-- Advertisements --

KORONADAL CITY-Nasa kustodiya na sa ngayon ng T’Boli MPS ang isang binata matapos itong inareto ng ilang mga Barangay Peacekeeping Action Team (BPATS) sa Barangay Talcon, Tboli, South Cotabato dahil sa panliligaw nito sa naka-quarantine na apo mismo ng Kapitan ng nasabing lugar.

Kinilala mismo ni Barangay Chairman Ato Bansawan ng Brgy. Talcon, Tboli, ang suspek na si Joeramin Salawa ,33 anyos at residente rin nabanggit na bayan.

Ayon sa opisyal, ipina-aresto nito ang nasabing binata dahil pumupunta umano ito sa apo niyang kagagaling lamang sa Maynila at nasa isang Quarantine facility ng kanilang barangay.

Dagdag pa ng kapitan, maraming beses narin niya itong nahuli na uma-aligid sa Quarantine/Isolation Facility ng kanilang lugar na labas masok sa naturang pasilidad.

Labis namang nabahala ang kapitan ng makatanggap ito nga text galing kanyang apo sa nasa loob ng pasilidad na pinasok umano at tinabihan ito ni Salawa habang nakahiga ito sa kama na naging dahilan ng pagkataranta ng dalaga.

Sa ngayon , nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa minimum health protocols ng kanilang bayan ang suspek.